Bakasyon, alas tres ng madaling
araw ng gisingin ako ni itay, tipunin ko na daw ang mga batang kinidnap niya na
nakakalat sa lansangan. Hindi ko mawaring na ganito na ang naging pananaw ni
itay sa buhay, ni hindi niya manlang maipasok sa kanyang isipan na maghanap ng
marangal na trabaho.
“Hoy,
Intoy ano pang tinutunganga mo diyan? Wag mong antaying paluin kita ng dos por
dos o mas gusto mo pa atang paluhurin kita sa asin at paluin ng sinturon ko?!”
“Haruy,
Diyos ko po…tulungan po ninyo ako.” Hindi ko na napigilang sambitin
ang linyang iyan. Ang Diyos na ang bahala kay itay.
Mag aalas-sais na ng umaga ng
makumpleto ang bilang ng mga batang pinatipon ni Itay, kahit ang tatlo dito ay
nilalagnat na, tuloy pa rin, kung hindi baka mamatay pa ang mga ito dulo’t ng
palo at gulpi ni itay.
“Intoy!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”
napakalakas ng sigaw ni itay mula sa palikuran malapit sa lumang bodega na
tinitirahan ng mga kawawang batang ito.
“Kompleto na ho itay!!!”
“Hoy!!!!! Bataaaa!!! Bumalik ka
rito!!”
“Hahahahahahaha”
“Hahahahahahahahaha” tawa ng tawa ang ibang mga batang nasa grupo habang
hinahabol ko si Buninoy na laging tumatakas pag nasa pila na.
“Mga &(&_$#$@_&#
niyo!!!!! Magsipila nga kayo!!” dumating na si itay, sinidihan na ang kanyang
sigarilyo sabay tapon sa nagamit na palito ng posporo.
Agad na pumila at umayos ang mga
bata.
“Bago
mag alas singko ng hapon dapat naka trenta o sikwenta na ang bawat isa sa inyo
kung hindi wala kayong kakainin buong araw! Nagkakaintindihan?!!!!” lalong
nanlaki ang mga mata ni itay ng sambitin niya iyon.
Agad na kinuha ng mga bata ang
kanya kanya nilang lata na paglalagyan ng limos. At ang trabaho ko sa buong
araw ay bantayan ang mga batang ito at kapag tumakas ang isa man sa kanila ako
ang malalagot kay itay.
Ilang beses na rin nangyayari
iyon, hindi ko alam kung saan ko hinuhugot ang lakas ng loob at tibay ng
damdamin na nakakaya ko pa rin tiisin ang lahat ng gulpi at mura ni itay sa
akin. Pero kahit pa man ganoon, kapag pasukan na, hindi niya kinakalimutan na
bigyan ako ng pagkakataon na pumasok sa eskwela. Sa ganoong paraan nararamdaman
ko pa rin na mahal ako ni itay, siguro lang talaga ay sa panggugulpi niya
binabawi ang kirot sa sakit na nararamdaman niya matapos itakas ni inay ang 2
kong kapatid na kambal kasama ang kanong mukhang kwago na gumastos para
makalipad sila papuntang America at matapos noon ay wala na kaming balita sa
kanila.
Alas singko ng makarating kami
sa bodega, salamat naman at walang nagtangkang tumakas, kumpleto ang lahat pero
hindi ko alam kung nagawa nilang makakolekta ng trenta pesos na limos.
Hindi ko rin maintindihan kung
bakit parang masaya pa ang mga batang ito sa pinapagawa sa kanila. Sabi nga ni
Buninoy ng magkausap kami na masaya na rin daw siya kahit papano, may nakakain
sa araw-araw, nagkakaroon ng pagkakataong makipaglaro sa mga batang nang
magtagal tagal ay parang magkakapatid na rin ang turingan sa isa’t isa,
nakakapasyal, nakakasalamuha ng iba’t ibang mukha at nakaranas na makaramdam ng
kalinga ng isang ama (ama ko) kahit sa ganoong paraan lamang. Bata pa daw kasi
si Buninoy ay namatay na ang ama nito, swerte ko pa rin daw dahil nakakasama ko
pa si itay kahit na ganoon ang ginagawa niya. Mahigit tatlong taon na niyang
ginagawa ang ganitong paraan para makalikom siya ng pera—ang pag gamit sa mga
batang nakukuha niya para manlimos ng pera para sa kanya.
“Intoyyyyyyy!” Malamang isa lang
ang ibig sabihin niyan, na papilahin na ang mga bata at lumarga na.
Pero hindi pala. Pero hindi
pala.
“Pero hindi
pala!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”
Si itay nakahilatay na sa sahig,
nakahawak sa kanyang dibdib at kitang kita sa kanyang mukha ang iniindang
sakit. Inaatake si itay! Ano ang aming gagawin? Wala kaming pera. Hindi namin
kaya si itay, mabigat siya, isa siyang malaking tao, wala kaming sasakyan,
walang telepono para sa ambulansya, hindi pwedeng mamatay si itay!!!
Ang mga batang ito ay tinipon
ang lahat ng baryang kanilang naipon, naitabi, mga kinupit, matapos nito ay
nagtulungan kaming buhatin si itay para isakay sa side car ni manong na
nangangalakal, kamalas malasan pa’t kulang sa hangin ang isang gulong nito,
walang anu-ano’y nagtulungan kaming itulak ito para madala na si itay sa pinaka
malapit na ospital.
Pero, hindi pa ganoon kalayo ang
nararating namin ay lumaylay na ang isang kamay ni itay at unti unting pumikit
ang kanyang mga mata, hindi na natibok ang pulso nito, wala na si itay. Nanlumo
at biglang nanghina ako, tumulo ang aking mga luha, binuhat namin si itay para
ihiga sa isang upuang semento. May nalaglag, isang portamoneda, pinulot ni Buninoy at iniabot sa akin.
Binuksan ko at may
isang papel na nakatiklop.
“Intoy,
Una sa lahat ay nagpapasalamat ako dahil sa
kabila ng mga masasamang bagay na nasasabi ko sa’yo, sa kabila ng pang gugulpi
ko sa’yo ay hindi mo nagawang umalis sa tabi ko. Intoy, alam kong hindi ako
naging isang mabuting ama sa iyo pero tandaan mo na ikaw ay naging isang mabuting
anak sa akin. Ang tanging hiling ko lang naman ay makasama mo ang iyong ina at
iyong mga kapatid na kambal na miss na miss ko na, kahit kasama mo man ang
kanong kwagong iyon wag mong pagpapalit ang itay mo ha? Tapusin mo ang iyong
pag-aaral at ang mga batang iyan ay pauwiin mo na sa kanilang mga tahanan.
Mahal na mahal kita anak. Patawarin mo sana ako.
Nagmamahal,
Itay
Lalong
tumulo ang luha ko sa aking nabasa, binuklat ko ulit ang portamoneda ni itay,
doon ay may isa pang nakatiklop na papel, binuksan ko ulit ang ikalawang papel.
“Para kay Buninoy.”
Yun lang
ang tanging nakasulat “para kay buninoy.”
Lumapit
sa akin si buninoy at may kinuha mula sa kanyang bulsa.
“Ohhh
ito tol, wag ka ng umiyak.”
Inabot
ni Buninoy sa akin ang isang sobre. Nagulat ako at naglalaman ito ng papel na
pera.
“Para
saan ito?” pagtatakang sinabi ko.
“Bumili
ka daw ng ticket papuntang America, ito yung address ng bahay ng kanong mukhang
kwago, mamimiss ka namin.”
Nginitian
ko si Buninoy at niyakap ko ang lahat ng bata.
Habang
naglalakad papunta sa aming bahay, napa tingin ako sa langit. “Tara na itay, sama ka sa akin.”